Poetic Mode On #pinoy #tula

Because I was, I am, still... 

KILALA KA BA NIYA?

Nung iniwan mo't pinagpalit sa kanya
Tinanong ko sa hangin,
Kilala ka ba niya?
Nung ti-Nag ka sa 'sang groufie post sa fb
Laki ng yung tuwa, 
walang bahid ng lungkot ang yong mata
Tinanong ko uli sa hangin,
Kilala ka ba nila?

At nakita kong nagpost sya sa IG
sweet n'yong dalawa 
Nakahilig pa sa dibdib mo ang pisngi nya
Binasa ko sa 'yong mga mata
Para bang sinasabi mo, 
Eto siya, di ko kinakahiya
Muli, binulong ko sa hangin, 
Kilala ka bang n'yang talaga?

Alam ba nila kung kelan ka masaya?
Alam niya ba kung kelan ayaw mo na?
Me alam ba sila sa mga 
panahong sinasakyan mo lang
Kahit sa loob mo'y labag na?
Alam niya bang sinaktan kita
Higit pa sa akala mong sa'kin 'yong ginawa?
Muli't muli, ang tanong sa hangin
Kilala ka ba niya?

Ayaw ko sanang makita ka
Pero nangyari na
Hinanap ko ako sa 'yong mga mata
Ngunit walang ako sa aking nakita
Ramdam mo ba ang hirap 
ng magkunwaring wala lang?
'Yong wala sa akin na nandiyan ka,
Pinagmasdan kita, ang layo mo na
Kahit abo't kamay kita
Dumampi ang hangin wari bumubulong
IKAW, KILALA MO PA BA SIYA?



Comments

Popular posts from this blog

Ramon Magsaysay Memorial Colleges - A pool of great minds

K’laja-Conel, General Santos City

BALAKAYO, BRGY. OLYMPOG - ZIPLINE